Sa Kabataan
ni: Onofre Pagsanghan
Isa sa mga salitang napag-aralan natin
sa wikang Pilipino ay ang salitang nabansot. Kapag ang isang bagay
raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito
raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na
uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng
kabataan ay panahon ng pagkalaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangan paglaki
at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang.Kung
ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang
pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung
tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumulog man tayong bilog-tapayan,
ngunit kung tayo nam'y tulad ni "Bondying" na di mapagkatitiwalaan-anong
laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at
mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating
kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan.
Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya
sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan
at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang
taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.
Tamang tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kinamihasnan
ay siyang pagkakatanda. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating
pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad
sa bayan. Huwag nating akalaing makapandaraya ngayon sa ating mga
pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas
makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag
nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon ng kalaswaan at kahalayan, at
sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan,
ang tunay na pag-ibig sa bayan,ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis
ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at
gawa.
Pinagkunan: http://chrislingadkabiling.blogspot.com/
Kahirapan:
Problema ng Bayan
Ni:
Hannalet Roguel
Isa sa pinakamalaking kinakaharap na
problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino
ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng
kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang
mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng
krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero
bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito? Sadyang
mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung
ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon
ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at
pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.
Maraming mamamayan ang nakakaranas
ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o
inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa
mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa
lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa
kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip
na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya
mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng
walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.
Ako bilang isang kabataan, may
layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at hindi maituturing na basura
lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos
ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang
ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa
kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n gating bayan, isang
bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod
pang henerasyon.
Pilipino:
Buhay sa Kasalukuyan
Ni:
Rona Timoteo
Ako,
Ikaw at tayong lahat, ay isinilang na pilipino namulat tayo sa isang bansang
puno ng makasaysayang kuwento. Ngunit sa dinarami-rami ng pagsubok at balakid
na pinagdaanan ano na nga ba ang kinahantungan natin ngayon?
Ikaw sa iyong palagay bilang isang kabataan at mamamayan ano na nga ba ang Buhay sa kasalukuyan?Ako sa palagay ko kaawa-awa ang pamumuhay natin ngayon, sabi nila di raw naghihirap ang pilipinas malabo....totoo maraming makabagong teknolohiya ngayon, ngaunit kung pagmamasdan ang mga nangyayari ngayon di ba't puno ng kahirapan at kalungkutan. Masdan nalang natin ang kamaynilaan ang mga iskwater na naninirahan doon, ang mga pulubing nagkalat sa langsangan, at mga krimen na karumaldumal sa ating mga mata. Di ba't marami na ang taong natutong pumaslang, at magnakaw para lamang may ipakain sa kanilang pamilya, minsan pa nga ay kabataan..., kung ganito lang paano na ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang "Kabataan ang pag-asa ng Bayan". Nang dahil sa modernisasyon marimi ang nagbago di lang sa damit, ugali, pamumuhay, at marami pa halos lahat naapektuhan. Marami ngang magandang naidulot ang modernisasyon tulad ng computer, cellphone, at mga makabagong makinarya na ginagamit natin sa araw-araw, pero di ba't dapat nating katakutan din ang teknolohiya na baka sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng mawalan ng silbi ang tao. Ngayon nga paunti na ng paunti ang trabahong maaaring pasukan kaya karamihan ay nangingibang bansa pumapasok bilang OFW ( Overseas Filipino Worker) para lamang makatulong sa pamilya tinitiis lahat para lamang kumita ng pera.

Pilipino
nga naman.... Napapanahon na! para tayo ay kumilos
Ako, ikaw, tayong lahat may magagawa pa tayo para muling bumangon sa KASALUKUYAN para sa hinaharap.
Ako, ikaw, tayong lahat may magagawa pa tayo para muling bumangon sa KASALUKUYAN para sa hinaharap.
Pag-asa ng bayan?
Sa
tuwing sasapit ang simula ng pasukan, natututok sa mga kabataang mag-aaral ang
atensiyon ng lipunan. Kasabay ng paulit-ulit na pagpasok sa paaralan at
pag-atend ng mga klase, muli at muli ring naririnig ang mga katagang “Ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.” Para itong sirang plakang nagpipilit magbulong
ng isang lihim na mensahe sa atin. Ngunit sa gitna ng kalagayang ito ng ating
bansa, may saysay pa ba ang tinurang iyan ni Dr. Jose Rizal?
Bagamat
masasabing sanay na tayo sa paghihirap, mas matindi ang hagupit nito ngayon. Sa
panay-panay na pagtaas ng langis, sumusunod ang pamasahe, ang bayad sa
kuryente, at ang presyo ng bilihin sa pangkalahatan. Samantalang bumubulusok
ang tunay na halaga ng piso, katiting na dagdag sa suweldo lamang ang
ipinatikim sa mga manggagawang magulang ng mga mag-aaral. Hindi lamang krisis
sa pangkalagayang ekonomiya ng mga mamamayan ang umiiral. Pati krisis sa
pulitika ay tumitindi. Niyayanig ng mga eskandalo ang mismong pinakamataas na
pamunuan ng bansa. Hindi maiwasan ng Pangulo at ng kanyang pamilya ang mga
akusasyon na nag-uugnay sa kanila sa ilegal na sugal na jueteng. Ang patuloy na
pagbagsak ng popularidad ng mga lider ay dala marahil ng isa pang krisis: ang
krisis naman sa dimensyong moral. Anong halimbawa ng pamantayang moral ang
makikita ng mga kabataan kung mismong ang mga lider ay nagsisinungaling? Paano
ang iaangat ang moralidad ng bansa kung ang mga opisyal nito ay patuloy na
kumakapit sa bulok na tradisyon ng padrinuhan na nagbubunsod ng katiwalian?
Samantala,
ang edukasyon ay patuloy na nagiging komersyalisado. Nagsusulputan ang mga
paaralang ang layunin ay kumita lamang at walang pakialam sa kalidad ng
edukasyong inilalako nila. Kasabay nito ang lalong pamamayagpag ng midyang
naghahatid ng pagkalibang sa halip na kaalaman. At dahil galing dito ang
binhing naitatanim sa murang isip ng mga kabataan, hindi kataka-takang ang
pambansang pangarap ng mga kabataan ngayon ay ang maging artista. Sa halip na
mag-aral, pumasok na lamang sa showbiz. At kapag artista ka na, maaari kang
pumasok sa pulitika. At kapag naroon na, ansaya-saya! Konting pasikat, konting
bola, konti sayaw, konting ngiti at kindat, maaari ka nang maging senador o
kahit presidente man. Magkunwari ring progresibo at makamasa para makatiyak na
kakagatin ka. Pagdating sa itaas, ilagay sa puwesto ang mga kakilala at
kabarkada ng asawa. At magsinungaling habang nagpapakasasa.
Samantala,
walang ipinagbabago ang sitwasyon ng karaniwang tao. At mula sa kanilang hanay,
uusbong at susugod sa audition ang panibagong “pag-asa ng bayan.”
Huwag sanang tuluyang maging ganyan
ang kuwento ng ating mga “pag-asa ng bayan.”
Pinagkunan:
http://ederic.net/pag-asa-ng-bayan/
Ang Krisis ng ating Ekonomiya
ni: Janine Lyca Elbo
Korupsyon, paglobo ng populasyon at tuluyang pagbagsak ng ekonomiya...ano pa ba ang bago?Wala na bang iba? Palagi na lamang ba tayong kulelat pagdating sa pag-unlad?Tama, iilan lamang ang nakilos kayat hindi tayo naunlad.Hindi ba tayo maaring maging isa kahit para sa pag-unlad natin? Hindi na bago itong paksang ito; nagkalat sa diyaryo, radyo, sa balita sa tv ang nangyayari sa ekonomiya ng buong mundo. Hindi na nakapagtatakang nangyayari ito dahil na rin sa napakarupok na sistema ng ekonomiya ng mga bansa, maging mayayaman man yan o hindi.
Kailangan pa nga siguro natin ng People Power upang matigil na ang pagdami ng mga tiwaling opisyal na parang damong ligaw na mahirap sugpuin.Samu’t sari ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang takbo ng buhay ng nakararami o di kaya’y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung magpapatuloy ang krisis na ito. Kailangan natin ng pagkakaisa upang mas mapabilis ang gawain. Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala ang mga “hidden agenda.” Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata, wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang pakikipaglaban sa kahirapan.

Kailangan na nating gumising at
bumangon upang ipagpatuloy ang nasimulan na nating laban. Maari naman talaga tayong makipagsabayan sa ibang
bansa kung talagang gugustuhin natin. Kung kikilos lamang tayo para sa
pagbabago. Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga nagyayamanang bansang
biglang nasalanta ng krisis na matuto na’t hindi na masyadong maging mapagmahal
sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga dapat
maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo.