Pamantasang Normal ng Pilipinas
Pambansang
Sentro ng Edukasyong Pangguro
Kolehiyo
ng Pagpapaunlad Pangguro
Fakulti ng Sining at mga Wika
Isang
Pagsusuri sa Umusbong na Tuldik-Patuldok sa Wikang Ilokano at ang Ambag nito sa
Ortograpiyang Filipino
Ipinasa
ni: Denise Adrienne C. Espiritu
II-4
BSE Filipino
Ipinasa
kay: Propesor Myrna L. Gasingan
Talaan ng Nilalaman
Kabanata
I: Ang Suliranin at mga Kaligiran nito
………………………………. 1
Mga Layunin sa Pag-aaral……………………………………………………….. 3
Kahalagahan ng
Pag-aaral………………………………………………………. 3
Saklaw at Limitasyon…………………………………………………………….. 6
Depinisyon ng mga Terminolohiya……………………………………………… 7
Kabanata II: Mga Kaugnay na
Literatura………………………………………. 10
Kabanata III: Disenyo at
Paraan ng Pananaliksik…………………………….. 14
Kabanata IV.
Lagom………………………………………………………………………………
15
Kongklusyon……………………………………………………………………… 16
Rekomendasyon……………………………………………………………………16
Kabanata I
Ang Suliranin at mga Kaligiran nito
A.
Panimula
Ang wikang Filipino ay lubos na mahalaga sapagkat ito ay
nagsisilbing instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng wikang ito,
naipapahayag ng bawat isa ang kani-kanyang damdamin at kaisipan at dito
nagkakaunawaan ang bawat isa sa mga konseptong nais nilang iparating sa iba.
Maraming kaalaman ang naisasalin sa bawat salin-lahi sa amamagitan ng wika. Sa
pagtuklas ng kaalaman ay ipinapasa niya ito sa susunod na henerasyon na siya
ring ipinapasa kalaunan sa mga susunod pang
henerasyon.
Sa pamamagitan rin ng wikang Filipino, ang
bansa ay nagkakabuklod-buklod. Lubos na mahalaga ang sariling wika sapagkat ito
ang daan sa pagkakaisa. Kung ang wikang Filipino ay patuloy at lubos na
nililinang, ang bansa'y mas nagiging matagumpay sa larangan ng pagkakaisa.
Upang lubos na malinang at maging buo ang konsepto ng wikang Filipino, naitatag ang mga tuntunin na siyang panukala sa ortograpiyang Filipino.
Upang lubos na malinang at maging buo ang konsepto ng wikang Filipino, naitatag ang mga tuntunin na siyang panukala sa ortograpiyang Filipino.
Sa pananaliksik na ito, ipinapakilala ang kahalagahan ng tuldik
sa ortograpiyang Filipino. Ang tuldik o asento ay isang hudyat na dinaragdag
sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang
wastong pagkakabigkas sa isang salita. Ang tuldik ay mahalaga sa ortograpiyang
Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing gabay upang maging wasto ang paraan ng
pagkakabigkas sa isang salita. Kung wala ang tuldik sa ortograpiyang Filipino,
magdudulot ito ng malaking kalituhan sapagkat maaring maiba ang kahulugan ng
mga salita batay sa pagbibigay-diin sa isang ponema
B. Mga Layunin sa Pag-aaral
Sa pagbuo ng pananaliksik na ito, nabuo ng mananaliksik ang mga
sumusunod na layunin:
1.
Suriin ang mga pangangailangan na naging sanhi upang umusbong ang panibagong
uri ng tuldik: ang tuldik-patuldok.
2. Ilahad ang mga gampanin at kahalagahan ng tuldik-patuldok
partikular na sa wilang Ilokano.
3. Isa-isahin ang mga naiambag ng pag-usbong ng tuldik-patuldok
sa ortograpiyang Filipino.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay mayroong kahalagahan para sa mga sumusunod:
·
Para sa mga guro
mahalaga ang pananaliksik na
ito para sa mga guro partikular na sa mga guro sa wikang Filipino upang
mapag-ibayo pa at madagdagan ang mga kaalaman ukol sa mga uri ng tuldik at
upang maituro ang kahalagahan sa paggamit ng tuldik sa mga mag-aaral nang sa
gayon ay lalong mapahalagahan ang paggamit ng wikang Filipino. Mahalagang sa
guro magumpisa ang pagkatuto nang sa gayo'y epektibong maisalin ang kaalaman sa
mga mag-aaral.
·
Para sa mga mag-aaral
Ang
pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral sapagkat mas mainam na sa
pagkabata pa lamang ay tumimo na ang pagpapahalaga sa paggamit ng sariling
wika. Mahalaga rin ito sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa larangan ng
Filipino upang mas lalo pang paghusayan ang paghahanap at pananaliksik ng mga
panibagong kaalaman ukol sa tuldik-patuldok at upang mas maging maalam sa mga
panukala sa ortograpiyang Filipino.
·
Para sa mga administrador
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga administrador
nang sa gayon ay mabigyang pansin ang mga bagong kaalaman at mga panukala sa
ortograpiyang Filipino at mas bigyang diin ang pagpapalaganap ng mga programa
na makatutulong upang mapasidhi ang pagnanais na mas palalimin pa ang kaalaman
sa Filipino ito man ay mapa-guro, mag-aaral o simpleng mamamayan ng bansa.
·
Para sa mga mananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga iba pang
mananaliksik upang magsilbing karagdagang pagkukuhaan ng kaalaman hinggil sa
kahalagahan ng tuldik-patuldok sa wika at ortograpiyang Filipino. Sa
pamamagitan nito'y mas mapa-iigting pa ang pag-aaral ukol sa umusbong na
tuldik-patuldok at ang kahalagahan nito sa ortograpiyang Filipino nang sa
gayo’y patu-patuloy na magkaroon ng mga panibagong kaalaman hinggil sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino at hindi maglaho ang mga kaalaman na natagpuan
bagkus ay lalong mapaunlad ito.
D. Saklaw at Limitasyon
Ang tuldik sa ortograpiyang Filipino ay may apat na uri:
pahilis, paiwa, pakupya at ang umusbong na patuldok. Ang mananaliksik ay
nagbigay pokus sa pag-aaral sa umusbong na tuldik-patuldok at pagsusuri nito sa
wikang Ilokano. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa gampanin ng
tuldik-patuldok sa wikang Ilokano at pati na rin ang mga nai-ambag ng tuldik na
ito sa ortograpiyang Filipino.
Ang mananaliksik ay nangalap ng iba't ibang datos hinggil sa kahalagahan ng tuldik na ito na siyang magsasaad ng kapakinabangan nito sa ortograpiyang Filipino. Nakipagpanayam din ang mananaliksik sa isang taong bihasa sa pagsasalita ng wikang Ilokano bilang unang wikang natutuhan sa pagkabata at nangalap din ng datos ang mananaliksik ukol sa katangian ng wikang Ilokano at kung bakit kinailangan na umusbong ng tuldik-patuldok pati na ang mga naging gampanin ng tuldik na ito sa wikang Ilokano.
Ang mananaliksik ay nangalap ng iba't ibang datos hinggil sa kahalagahan ng tuldik na ito na siyang magsasaad ng kapakinabangan nito sa ortograpiyang Filipino. Nakipagpanayam din ang mananaliksik sa isang taong bihasa sa pagsasalita ng wikang Ilokano bilang unang wikang natutuhan sa pagkabata at nangalap din ng datos ang mananaliksik ukol sa katangian ng wikang Ilokano at kung bakit kinailangan na umusbong ng tuldik-patuldok pati na ang mga naging gampanin ng tuldik na ito sa wikang Ilokano.
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya
• Wika- Ang wika ay isang bahagi
ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng
6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang
pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga
diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan
sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika.
Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang linguang Latin, na nangangahulugang
"dila", sapagkat
nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng
damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon
• Ilokano - Ang Ilokano ay isang pangkating etniko na matatagpuan
sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Cagayan, Pangasinan at iba pang bahagi ng Ilocos
Rehiyon. Ang mga Ilokano ay ikatlo sa
pinakamalaking pangkat etniko sa buong Pilipinas, at ikalawa sa
pinakamalaki sa buong Mindanao. Ang salitang Ilokano ay tumutukoy din sa wika ng mga taong
naninirahan sa mga nabanggit na lugar, na nagsisilbi bilang Lingua
Franca o ang pangunahing
wika ng rehiyon.
• Ortograpiyang Filipino – Ang ortograpiyang
Filipino ay ang paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang
pasulat. Sa simpleng salita, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit
sa isang wika. Bawat wika ay may sariling sistema ng paglalapat ng
simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang tunog o ponema.
• Tuldik - Ang tuldik ay isang
hudyat na dinadagdag sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang pagkakaiba nito
sa pagitan ng magkakatulad ng mga salita.
• Tuldik-patuldok - Ang
nasabing tuldik ay kahawig ng umlaut at dieresis at kakatawan
sa tunog na schwa na matatagpuan sa Mëranaw, Pangasinan, Ilokano
at mga wika sa Cordillera.
Kabanata
II
Mga
Kaugnay na Literatura
Ayon
kay Roberto T. Añonuevo (2012) sa kanyang akdang Mga Bagong Panukala sa
Ortograpiyang Filipino, Ang umiiral na ortograpiyang
Filipino na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mabibiyak sa tatlong
bahagi: Una, ang paglalahok ng mga hiram na titik sa Inggles (at Espanyol),
gaya ng \c\, \f\, \j\, \ñ\, \q\, \x\, at \z\ sa dating Abakadang Tagalog na may
apat na katumbas na tunog sa patinig (malúmay, mabilís, malumì, at maragsâ) at
ang katinig na may tunog na mahihina (\l\, \m\, \n\, \ng\, \r\, \w\, \y\) at
malalakas (\b\, \k\, \d\, \g\, \p\, \s\, \t\) at ang pagtatangkang pagdaragdag
ng kaukulang tunog mula sa mga idinagdag na banyagang titik. Ikalawa, ang
pagbabaybay, paglalapi, pagbabantas, pag-uulit, at pagpapantig ng mga salita,
taal man sa Filipinas o hiram mula sa ibayong-dagat. At ikatlo, ang pagtatakda
ng tuntunin sa panghihiram sa Espanyol, bagaman hindi malinaw ang sa Inggles at
iba pang banyagang wika, gaya ng Pranses, Aleman, Arabe, Hapones, at Tsino. Ayon
naman kay Virgilio Almario (2014), Ang gabay sa ortograpiya o palatitikan ng
wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang
Filipino. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng
Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at
konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling. Ninanais palaganapin
sa gabay na ito ang estandardisadong mga grafema o pasulat na mga simbolo at
ang mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito. Itinatanghal
din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog
bunga ng modernisadong alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa
Wikang Pambansa.
Sa libro ng Komisyon
sa Wikang Filipino sa ilalim ni Virgilio Almario at iba pa, nakasaad na
mahalagang ibalik ang paggamit sa mga tuldík o asénto. Kung mahihirapang
markahan ang lahat ng salita, ginagamit ang tuldik upang maipatiyak ang wastong
bigkas lalò na sa mga salitang magkakatulad ng baybay ngunit nagbabago ang
kahulugan dahil sa bigkas. Karaniwang gamitin noon ang iba’t ibang paraan ng
bigkas sa “paso” (páso, pasó, pasò, pasô,) na may iba’t iba ring kahulugan. Sa
Balarila, ipinasok ni Lope K. Santos ang tatlong tuldik bílang sagisag sa mga
paraan ng pagbigkas: (1) ang tuldik pahilís (´) na ginagamit para sa salitang
mabilis, (2) ang tuldik paiwà (`) na ginagamit para sa salitang malumi, at (3)
ang tuldik pakupyâ (ˆ) para sa salitang maragsa.
Ikinonsidera sa bagong ortograpiya ang ginagamit na salita sa
ibang rehiyon katulad ng sa Ilokano na siyang isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at siyang lingua franca ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon
ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami
ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan
sa Mindanao kaya’t sa bagong ortograpiya, magkaroon na ng karagdagang tuldik na
pansamantalang tatawaging patuldok, isang bagong tuldik ang
ipinasiyang palagiang gamitin upang katawanin ang bigkas na schwa na
matatagpuan sa mga katutubong wikang gaya ng Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, at
Ibaloy. Tinawag itong tuldik patuldók at kahawig ng umlaut o dieresis (¨) na
tila kambal na tuldok sa ibabaw ng patinig. Narito ang ilang halimbawa:
wën (Ilokano) katapat
ng oo
kën (Ilokano) katapat
ng din/rin
këtkët (Pangasinan)
katapat ng kagat
silëw (Pangasinan)
katapat ng ilaw
utëk (Pangasinan)
katapat ng utak
panagbënga (Kankanay) panahon
ng pamumulaklak
tëlo (Mëranaw) katapat
ng tatlo
matëy (Mëranaw)
katapat ng matagal
tëngel (Mëranaw)
katapat ng sampal
sëlëd (Kiniray-a)
katapat ng loob
yuhëm (Kiniray-a)
katapat ng ngiti
gërët (Kuyonon)
katapat ng hiwa
Ang
pag-usbong ng tuldik-patuldok na ito ay nagbigay solusyon sa kasalukuyang hindi magkasundong ginagawang
pagtutumbas ng A o E sa bigkas na schwa, gaya sa Darangan/Darangen at
Bantugan/Bantugen. Ang dalawang salitang Mëranaw ay dapat baybaying Darangën at
Bantugën.
Kabanata III
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay nangalap ng iba’t
ibang impormasyon ukol sa kahalagahan ng ortograpiyang Filipino at kung bakit
dapat maging wasto ang pagbaybay sa bawat salita na binibigkas. Nangalap rin
ang mananaliksik ng mga datos ukol sa panibagong uri ng tuldik na umusbong, ang
tuldik-patuldok, at kung anu-ano ang mga naging dahilan o pangangailangan kung
bakit napagkasunduan ng iba’t ibang mga dalubhasa na palitawin ang uri ng
tuldik na ito. Nagkaroon din ang mananaliksik ng maikling panayam sa isang
mag-aaral na ang lingua franca ay Ilokano upang magbahagi ng ilang katangian ng
wikang ito nang sa gayo’y mas lubos na maunawaan ng mananaliksik ang
pangangailangan ng wikang ito sa tuldik-patuldok.
Kabanata
IV.
Lagom,
Kongklusyon at Rekomendasyon
A.
Lagom
Sa pananaliksik na ito, inilahad ang
umiiral na ortograpiyang Filipino na siyang nahahati sa tatlong bahagi. Una ay
ang paglalahok ng mga hiram na titik sa Inggles at
Espanyol sa dating Abakadang Tagalog na may apat na katumbas na tunog sa
patinig (malúmay, mabilís, malumì, at maragsâ), Ikalawa ay ang pagbabaybay,
paglalapi, pagbabantas, pag-uulit, at pagpapantig ng mga salita, at ikatlo
naman ay ang pagtatakda ng tuntunin sa panghihiram sa Espanyol. Inilahad rin ng
mananaliksik ang mga datos na siyang nagpapatunay ng kahalagahan ng paggamit ng
tuldik sa ortograpiyang Filipino. Makikita sa pag-aaral na ito ang iulang
katangian ng wikang Ilokano na siyang naging sanhi kung bakit lumitaw o
umusbong ang panibagong uri ng tuldik, ang tuldik-patuldok.
B.
Kongklusyon
Ang tuldik-patuldok ay umusbong sa
pinagkasunduan ng mga dalubhasa sa wikang Filipino upang magbigay solusyon sa kasalukuyang hindi magkasundong ginagawang
pagtutumbas ng A o E sa bigkas na schwa, na karaniwang matatagpuan sa rehiyonal
na wika pang-una na ang wikang Ilokano. Ito ang naging pangunahing ambag ng
pag-usbong ng tuldik-patuldok sa
panibagong panukala ng ortograpiyang Filipino at dahil ditto, mas naging
malinaw di lamang para sa mga taong tagapagsalita ng wikang ito kundi pati na
rin sa mga dalubhasa, mga guro sa Filipino at pati na rin mga mag-aaral sa
paggamit ng tuldik na ito.
C.
Rekomendasyon
Ang
Pananaliksik na ito ay inirerekomenda para sa mga sumusunod:
·
Para sa mga guro
Inirerekomenda
ang pananaliksik na ito sa mga guro partikular na sa mga guro sa Filipino upang
malaman nila ang mga panibagong panukala at mga kaalamang inirebisa nang sa
gayo’y manatiling makabago ang kanilang mga kaalaman at maituro ang mga ito sa
kanilang mga mag-aaral at maiwasan ang kalituhan na maaring idulot ng
pagkakaiba-iba ng mga sanggunian. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman
ng mga guro sa Filipino ang naging kahalagahan ng pagusbong ng tuldik-patuldok
at kung bakit nila ito dapat na ituro sa kanilang mga mag-aaral.
·
Para sa mga mag-aaral
Ang
pananaliksik na ito ay inirerekomenda para sa mga mag-aaral upang mas
mapag-ibayo ang pagpapahalaga sa pagkatuto ng ortograpiyang Filipino nang mas
malinang ang pagsisidhi nilang matutuhan ang wikang kinagisnan. Sa pamamagitan
ng pag-aaral na ito, matututunan ng mga mag-aaral kung ano nga ba ang ibig
sabihin ng tuldik at kung pakit ito naging mahalaga sa pagbaybay ng bawat
salita sa Filipino. Sa pagkatuto nito ay mas lalo nilang mauunawaan ang mga
panukala sa ortograpiyang Filipino.
·
Para sa mga administrador
Ang
pananaliksik na ito ay inirerekomenda para sa mga administrador sapagkat sila
ang may kakayahang magpatupad ng mga programa na siyang magpapaunlad ng
kaalaman ukol sa ortograpiyang Filipino. Sa pamamagitan ng pananaliksik na
ito’y makapagbibigay- ideya kung ano ang dapat linangin nang sa gayo’y mas
mapalawak ang pagpapalaganap ng kahalagahan ng ortograpiyang Filipino sa buong
bansa.
·
Para sa mga mananaliksik
Ang
Pananaliksik na ito ay inirerekomenda sa iba pang mananaliksik upang sa
pagbabasa nito’y malaman nila kung ano pa ang dapat na pag-aralan at saliksikin
nang sa gayo’y hindi maputol bagkus ay mas mapabuti pa ang paglinang sa
pag-aaral ng ortograpiyang Filipino.
Talaan ng mga Sanggunian
Aklat:
Almario,
Virgilio S. et al. KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat. 2014. Komisyon sa
Wikang Filipino. 2/F Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., Malacañang Palace
Complex, San Miguel, Maynila.
Pananaliksik:
Santiago, Alfonso D. Mga
mungkahing pagbabago sa ortograpiya ng Wikang Filipino. 1967. Dalubhasaang
Normal ng Pilipinas.
Websayt: