Miyerkules, Pebrero 4, 2015

Mga Halimbawa ng Dagling Talumpati

Sa Kabataan 

ni: Onofre Pagsanghan


Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang nabansot.  Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng pagkalaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangan paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang.Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumulog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nam'y tulad ni "Bondying" na di mapagkatitiwalaan-anong laking kakulangan.  Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kinamihasnan ay siyang pagkakatanda. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapandaraya ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang  mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon ng kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong  magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan,ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa.


Kahirapan: Problema ng Bayan
Ni: Hannalet Roguel
Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito? Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito? Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.
Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.
Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at hindi maituturing na basura lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n gating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

Pilipino: Buhay sa Kasalukuyan
Ni: Rona Timoteo
Ako, Ikaw at tayong lahat, ay isinilang na pilipino namulat tayo sa isang bansang puno ng makasaysayang kuwento. Ngunit sa dinarami-rami ng pagsubok at balakid na pinagdaanan ano na nga ba ang kinahantungan natin ngayon?

            Ikaw sa iyong palagay bilang isang kabataan at mamamayan ano na nga ba ang Buhay sa kasalukuyan?Ako sa palagay ko kaawa-awa ang pamumuhay natin ngayon, sabi nila di raw naghihirap ang pilipinas malabo....totoo maraming makabagong teknolohiya ngayon, ngaunit kung pagmamasdan ang mga nangyayari ngayon di ba't puno ng kahirapan at kalungkutan. Masdan nalang natin ang kamaynilaan ang mga iskwater na naninirahan doon, ang mga pulubing nagkalat sa langsangan, at mga krimen na karumaldumal sa ating mga mata. Di ba't marami na ang taong natutong pumaslang, at magnakaw para lamang may ipakain sa kanilang pamilya, minsan pa nga ay kabataan..., kung ganito lang paano na ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang "Kabataan ang pag-asa ng Bayan".  Nang dahil sa modernisasyon marimi ang nagbago di lang sa damit, ugali, pamumuhay, at marami pa halos lahat naapektuhan. Marami ngang magandang naidulot ang modernisasyon tulad ng computer, cellphone, at mga makabagong makinarya na ginagamit natin sa araw-araw, pero di ba't dapat nating katakutan din ang teknolohiya na baka sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng mawalan ng silbi ang tao. Ngayon nga paunti na ng paunti ang trabahong maaaring pasukan kaya karamihan ay nangingibang bansa pumapasok bilang OFW ( Overseas Filipino Worker) para lamang makatulong sa pamilya tinitiis lahat para lamang kumita ng pera.
Pilipino nga naman.... Napapanahon na! para tayo ay kumilos
Ako, ikaw, tayong lahat may magagawa pa tayo para muling bumangon sa KASALUKUYAN para sa hinaharap.


Pag-asa ng bayan?

            Sa tuwing sasapit ang simula ng pasukan, natututok sa mga kabataang mag-aaral ang atensiyon ng lipunan. Kasabay ng paulit-ulit na pagpasok sa paaralan at pag-atend ng mga klase, muli at muli ring naririnig ang mga katagang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Para itong sirang plakang nagpipilit magbulong ng isang lihim na mensahe sa atin. Ngunit sa gitna ng kalagayang ito ng ating bansa, may saysay pa ba ang tinurang iyan ni Dr. Jose Rizal?
            Bagamat masasabing sanay na tayo sa paghihirap, mas matindi ang hagupit nito ngayon. Sa panay-panay na pagtaas ng langis, sumusunod ang pamasahe, ang bayad sa kuryente, at ang presyo ng bilihin sa pangkalahatan. Samantalang bumubulusok ang tunay na halaga ng piso, katiting na dagdag sa suweldo lamang ang ipinatikim sa mga manggagawang magulang ng mga mag-aaral. Hindi lamang krisis sa pangkalagayang ekonomiya ng mga mamamayan ang umiiral. Pati krisis sa pulitika ay tumitindi. Niyayanig ng mga eskandalo ang mismong pinakamataas na pamunuan ng bansa. Hindi maiwasan ng Pangulo at ng kanyang pamilya ang mga akusasyon na nag-uugnay sa kanila sa ilegal na sugal na jueteng. Ang patuloy na pagbagsak ng popularidad ng mga lider ay dala marahil ng isa pang krisis: ang krisis naman sa dimensyong moral. Anong halimbawa ng pamantayang moral ang makikita ng mga kabataan kung mismong ang mga lider ay nagsisinungaling? Paano ang iaangat ang moralidad ng bansa kung ang mga opisyal nito ay patuloy na kumakapit sa bulok na tradisyon ng padrinuhan na nagbubunsod ng katiwalian?
            Samantala, ang edukasyon ay patuloy na nagiging komersyalisado. Nagsusulputan ang mga paaralang ang layunin ay kumita lamang at walang pakialam sa kalidad ng edukasyong inilalako nila. Kasabay nito ang lalong pamamayagpag ng midyang naghahatid ng pagkalibang sa halip na kaalaman. At dahil galing dito ang binhing naitatanim sa murang isip ng mga kabataan, hindi kataka-takang ang pambansang pangarap ng mga kabataan ngayon ay ang maging artista. Sa halip na mag-aral, pumasok na lamang sa showbiz. At kapag artista ka na, maaari kang pumasok sa pulitika. At kapag naroon na, ansaya-saya! Konting pasikat, konting bola, konti sayaw, konting ngiti at kindat, maaari ka nang maging senador o kahit presidente man. Magkunwari ring progresibo at makamasa para makatiyak na kakagatin ka. Pagdating sa itaas, ilagay sa puwesto ang mga kakilala at kabarkada ng asawa. At magsinungaling habang nagpapakasasa.
Samantala, walang ipinagbabago ang sitwasyon ng karaniwang tao. At mula sa kanilang hanay, uusbong at susugod sa audition ang panibagong “pag-asa ng bayan.”
Huwag sanang tuluyang maging ganyan ang kuwento ng ating mga “pag-asa ng bayan.”












Ang Krisis ng ating Ekonomiya
ni: Janine Lyca Elbo

            Korupsyon, paglobo ng populasyon at tuluyang pagbagsak ng ekonomiya...ano pa ba ang bago?Wala na bang iba? Palagi na lamang ba tayong kulelat pagdating sa pag-unlad?Tama, iilan lamang ang nakilos kayat hindi tayo naunlad.Hindi ba tayo maaring maging isa kahit para sa pag-unlad natin? Hindi na bago itong paksang ito; nagkalat sa diyaryo, radyo, sa balita sa tv ang nangyayari sa ekonomiya ng buong mundo. Hindi na nakapagtatakang nangyayari ito dahil na rin sa napakarupok na sistema ng ekonomiya ng mga bansa, maging mayayaman man yan o hindi.

            Kailangan pa nga siguro natin ng People Power upang matigil na ang pagdami ng mga tiwaling opisyal na parang damong ligaw na mahirap sugpuin.Samu’t sari ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang takbo ng buhay ng nakararami o di kaya’y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung magpapatuloy ang krisis na ito. Kailangan natin ng pagkakaisa upang mas mapabilis ang gawain. Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala ang mga “hidden agenda.” Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata, wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang pakikipaglaban sa kahirapan.


            Kailangan na nating gumising at bumangon upang ipagpatuloy ang nasimulan na nating laban. Maari naman talaga tayong makipagsabayan sa ibang bansa kung talagang gugustuhin natin. Kung kikilos lamang tayo para sa pagbabago. Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga nagyayamanang bansang biglang nasalanta ng krisis na matuto na’t hindi na masyadong maging mapagmahal sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga dapat maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo.


4 (na) komento: